^

Police Metro

Bato- ‘kulturang kuyog’ vs ‘virus cops’ pairalin

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nais ni Philippine National Police chief Director General Ronald Dela Rosa na pairalin ang kultura ng kuyog upang mabawasan ang naglipanang “virus” o mga tiwaling pulis sa kanilang hanay.

“We are trying to develop a culture, yung kuyog culture. Kung sino yung gumagawa ng masama kuyugin ng matitino at mababait na pulis para hindi magkalat yung virus,” wika ni Dela Rosa.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag matapos na pangunahan ang promos­yon ng mahigit sa 1,300 na pulis sa Camp Crame, kahapon ng umaga.

Anya, panahon na para makialam ang mga matitinong pulis at kuyugin ang mga tiwaling pulis na sumisira sa imahe ng PNP.

Idinagdag pa nito na maituturing virus ang mga tiwaling pulis na dapat nang wakasan sa tulong ng kulturang kuyog.

Pinaalalahanan rin ng PNP Chief ang mga bagong promote na opis­yal ng PNP na ma­ging sensitibo at huwag pamarisan ang masamang ginagawa ng kanilang mga kasamahang pulis.

Sinabi ni Dela Rosa na mas nakakatakot kung walang pakialam ang mga opisyal ng PNP sa masamang ginagawa ng mga kapwa nila pulis dahilan mas masisira at hindi mapipigilan ang pagkasira ng orga­nisasyon.

 Ang ginawang pahayag ni Dela Rosa ay sa gitna na rin ng  serye ng kontrobersya na kinasangkutan ng mga pulis sa Caloocan City kabilang ang pagkakapatay sa ilang tinedyer sa giyera kontra droga at warrantless raid sa isang bahay na pinagnakawan pa ng mga ito habang kasama ang isang menor de edad at pilay na asset noong Agosto at unang bahagi ng buwang kasalukuyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with