^

Police Metro

Duterte sasama din sa rali

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ma­ging siya ay sasama sa kilos protesta ngayong araw ng ‘National Day of Protest’.

Ayon sa Pangulo, ipoprotesta niya ang mga Dilawan na kasalukuyang nakaupo sa gobyerno na hindi naman niya masibak dahil sila ay protektado ng security of tenure.

Kasama ni Pangulong Duterte ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS) na gaganapin sa Plaza Miranda.

Inihayag din ng Pangulo na malaya ang sinuman at alin mang grupo na maglabas ng saloobin sa gobyerno sa ilalim ng prinsipyo ng demokrasya basta walang malalabag na batas at mananatiling payapa ang mga kilos protesta.

Magugunita na nagpalabas ng kautusan si Pangulong Duterte na nagsususpinde sa pasok sa executive branch gayundin sa pam­publikong paaralan sa buong bansa kasama ang mga State University and Colleges.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with