^

Police Metro

7M kawani tataas ang take home pay

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa sandaling maipatupad ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) na isinusulong ng administrasyong Duterte ay inaasahang tataas ang take home pay ng mahigit sa pitong milyong manggagawang nagbabayad ng buwis.

Sa report na inilabas ng Senate committee on ways and means na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara, hindi na bubuwisan ang unang P150,000 taunang taxable income at mananatiling tax-free naman ang 13th month pay at iba pang bonus na nagkakahalaga ng P82,000. 

Ang isang manggagawa na may apat na dependent ay magkakaroon ng additional exemption ng hanggang P100,000. Gayunman, mahigpit na nakasaad sa batas na hanggang apat na dependent lamang ang sakop ng tax exemption. ??

Kung pagbabasehan ang datos ng Bureau of Internal Revenue, aabot sa 99% ng kabuuang 7.5 milyong individual income tax payers ang tiyak na makikinabang sa pinababang buwis sa pamamagitan ng panukalang ito. 

Tinatayang 81 percent o 6.1 milyong income taxpayers ang malilibre na sa income tax.  Base sa report, sa kasalukuyang nasa 2 milyong minimum wage earners lamang ang libre sa buwis.  

Inihalimbawa ng senador ang isang guro na sumasahod ng P17,254 subalit kinakaltasan naman ng 20% buwanang tax kaya malaki ang nawawala sa kanilang kita.??

Sa ilalim ng pagbabago ng sistema ng pagbubuwis, binanggit ni Angara na mawawala na ang dalawampung porsiyentong (20%) na kaltas sa mga guro at iba pang katulad na manggagawa kaya mas magiging malaki ang buwanang takehome pay ng mga ito.??

Inoobliga rin ng naturang Senate committee report ang pamahalaan na magpatupad ng otomatikong sistema ng pagbubuwis kada ikatlong taon upang hindi maapektuhan ang mga mababa ang sahod sa tuwing nagtataasan ang presyo ng mga bilihin.??

Base rin sa bersyon ng Senado, ang mga marginal income earners na pawang self-employed na ang kinikita ay mas mababa sa 100,000 ay wala na ring babayarang buwis tulad ng mga magsasaka, mangingisda, nagmamay-ari ng maliliit na sari-sari store, maliliit na karinderya, gayundin ang drivers at operators ng tig-iisang tricycle.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with