^

Police Metro

3 prime suspect sa UST stude hazing,tugis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong pangunahing suspek sa pagkamatay ng UST law student na si Horacio Tomas Castillo III na sina John Paul Solano, mag-amang Antonio at Ralph Trangia, na opisyal ng Aegis Juris Fraternity ang pinagha­hanap na ng mga otoridad para arestuhin.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Director P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel na si Solano, ang nagpanggap na nakakita kay Castillo sa bangketa sa Tondo at nagsugod sa Chinese General Hospital na lu­malabas na nagsinunga­ling at natuklasang siya mismo ang nag-recruit sa biktima sa nasabing fraternity. Habang ang mag-amang Trangia, ang may-ari ng Strada pick-up na kung saan isinakay ang bangkay ni Castillo.

Ayon kay Coronel na hindi tumugma ang mga impormasyong ­ibinigay ni Solano sa mga otoridad na nadaanan lamang niya nang siya ay bibili ng sigarilyo sa panulukan ng Infanta St. kanto ng H. Lopez Blvd., sa Tondo dahil sa mga oras na nabanggit niya ay walang ganoong insidente sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) ng barangay.

Itinago rin ni Solano na siya ay isang law student ng UST at nakumpirma pa ng mga otoridad na siya ay mi­yembro ng nasabing fraternity at huling nakitang kasama ni Castillo at iba pang indibidwal habang naglalakad sa España, Maynila noong Sabado ng umaga, bago ang sinasabing oras na nagpadala siya ng gamit sa Uber sa kanilang tahahan sa San Lorenzo Village, Makati City.

Nang matunton naman ang pinagsakyan sa bangkay ni Castillo sa pagtungo sa Chinese General Hospital na may plate number na ZTV 53 ay  natuklasang nakare­histro sa pangalan ng isang Antonio Trangia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with