^

Police Metro

Obrero utas nang malaglag mula sa ika-3 palapag

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang construction worker nang mabagok ang ulo matapos na malaglag mula sa ikatlong palapag ng gusaling kanilang itinatayo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Randy Nachor, nasa hustong gulang at tubong Sta. Cruz Buhi, Camarines Sur at stay-in sa construction site sa Block 12, Palos corner Pla-Pla Street, Brgy. 12 ng lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-10:00 ng gabi sa gusali na gagawin umanong isang medical facility ay paakyat sa ikatlong palapag si Nachor bitbit ang dalawang hollowblocks nang gumuho ang inaapakan nitong scaffolding dahilan para diretsong bumagsak sa ibaba na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nang suriin ang lugar ng mga otoridad ay nakita na walang sapat na safety harness ang mga manggagawa at sa halip ay safety net ang nakakabit sa maaa­ring bagsakan ng tao o materyales.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with