^

Police Metro

Med tech person of interest sa UST law stude hazing victim

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasali na sa persons of interest ng Manila Police District ang medical technologist na si John Paul Solano na sinasabing nagdala  sa hazing  victim na si Horacio Castillo III sa Chinese General Hospital.

Ayon kay MPD Spokesman Sr. Supt. Erwin  Margarejo, nakakaduda ang  pahayag ni Solano na nakita niya ang nakahandusay na biktima sa kanto ng Honorio Lopez Blvd. kanto ng Infanta Street Balut, Tondo, Maynila dakong alas 7:58 ng umaga kaya agad nitong itinakbo sa CGH.

Lumilitaw na dakong ala-1:00 ng mada­ling araw noong Lunes nang makatanggap ang magulang ni Horacio na si Clarita ng anonymous text message na nasa naturang ospital ang kanilang anak at wala nang buhay.

 Naunang  sinabi ni Solano na nadaanan niya ang nakabalot na lalaki sa isang kumot at nang tingnan ay natuklasan ang agaw-buhay na biktima na may mga paso ng sigarilyo ang katawan at maraming patak ng kandila, habang namamaga ang katawan dahil sa sobrang pahirap na dinanas. Dinala pa umano ng isang motorista sa Chinese General Hospital pero idineklara itong dead-on-arrival.

Pinagdududahan rin ng pulisya ang pahayag ni Solano  matapos ang isi­nagawang imbestigasyon sa nasabing lugar at sa mga may-ari ng tindahan na wala silang nakitang bangkay sa lugar noong Linggo ng umaga.

Ipinagtataka naman ng mga taga-Brgy. 133 kung bakit sa Chinese General Hospital dinala gayung malapit lamang ang Tondo General Hospital.

Natuklasan  na mi­yembro rin umano si Solano ng Aegis Juris Fraternity, law student din ng UST at nagtratrabaho ng part-time bilang medical technologist sa San Lazaro Hospital.

Maging ang Uber unit na sinakyan ng biktima papuntang UST at pati ang pagpapauwi niya sa mga gamit sa driver ng Uber ay bine-verify na rin ng pulisya.

Nagtungo kahapon sa University of Santo Tomas ang mga imbestigador upang kunin ang listahan ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity, ang fraternity na sinalihan ni Horacio III.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with