^

Police Metro

Biyenan tinodas sa utang ng manugang

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead- on-arrival sa ospital ang isang biyudo nang ito ay saksakin ng kanyang manugang dahilan sa pagkakautang ng manugang na babae naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dalangin, Titay, Zamboanga Sibugay.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Rogelio Fuentes, residente ng Purok Anonang, Brgy. Dalangin ng bayang ito.

Tumakas naman ang suspek na si Nelber Peconada, 21, manugang at residente rin ng lugar.

Naitala ang krimen bandang alas-6:50 ng gabi nang magtungo ang suspek sa bahay ng biyenan para singilin sa pautang ang manugang nitong babae na kinilalang si Tessie Fuentes.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Tessie at ng suspek hanggang sa umuwi ang salarin at pagbalik ay armado na nang patalim.

Hinarang ng biktima ang suspek kaya’t ang galit ay dito nito ibinuhos at tinadtad ito ng saksak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with