^

Police Metro

Jinggoy ibalik sa kulungan

Angie dela Cruz - Pang-masa
Jinggoy ibalik sa kulungan

Sinabi ni Ombudsman Special Prosecutor Edilberto Sandoval, maghahain sila ng motion for consideration kaugnay sa motion for bail ni Senador Jinggoy Estrada matapos na ito ay ipag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales  at malaki ang tsansang maibalik ito sa kulungan. AP, File

Hiling ng Ombudsman...

MANILA, Philippines — Nais ng Ombudsman na pabalikin sa selda sa Camp Crame si dating Senador Jinggoy Estrada.

Ito ang nais ng Ombudsman matapos ang ginawang pagpayag ng Sandiganbayan 5th division na makapagpiyansa si Estrada kaugnay ng kaso nitong graft at plunder na may kinalaman sa pork barrel scam.

Sinabi ni Ombudsman Special Prosecutor Edilberto Sandoval, maghahain sila ng motion for consideration kaugnay sa motion for bail ni Estrada matapos na ito ay ipag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales  at malaki ang tsansang maibalik ito sa kulungan.

Ayon pa kay Sandoval na maaaring ma-recall ang naging desisyon ng Sandiganbayan na pagpiyansahin si Estrada sa kaso nitong graft at plunder dahil may mabigat silang hawak na ebidensya laban sa dating mambabatas.

Sinabi pa ni Sandoval, hindi “applicable” sa kaso ni Estrada ang ru­ling ng Korte Suprema sa kaso ni dating Pangulong Gloria Arroyo kaya’t may mala­king kwestyon ang naging pasya ng 5th division ng Sandiganbayan na pansamantalang mapalaya si Estrada lalupa’t isa an­yang non-bailable case ang plunder na kinakaharap ng dating senador.

Inihalimbawa ni Sandoval na ang kaso ni GMA ay inaakusahan ang mga public officers at public treasury ang pinagnakawan gayong sa kaso ni Estrada  ay nakipagsabwatan  ang mga opisyal ng pamahalaan sa pribadong tao at nagkaroon ng maling paggamit at malversation sa pondo ng gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with