^

Police Metro

Du30: Mga tambay dakpin!

Rudy Andal - Pang-masa

Pati mga naglalasing sa kalye...

MANILA, Philippines — Babala sa mga mahilig uminom at tumambay sa kalsada na kapag hindi kayo tumigil ay may paglalagyan na kayo.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipahuli at ipakulong ang mga ito.

Iniutos ni Pangulong Duterte sa mga pulis na huwag hayaan na tumambay sa kalsada at umiinom ng alak ang mga ito sa pampublikong lugar.

Wika pa ng Pangulo, peligro ang mga ito na nagbibigay ng takot sa mga tao partikular sa mga ordinaryong mamamayan na naglalakad sa mga kalye.

Binigyang diin ng chief executive na ang nais niya’y maging tiwasay ang sinuman sa tuwing naglalakad sa lansangan at maramdaman na sila’y ligtas sa masasamang elemento ng lipunan.

“Sabi ko sa pulis, pick-up nyo ang mga tambay. I do not want anybody standing there, mag-tambay. Kasi ‘yung tambay sa Pilipinas, we talk of contemporary times, what’s happening to the environment now,” paliwanag pa ni Pangulo.

Aniya, kapag nag-inuman sa pampublikong lugar ang mga tambay na ito ay arestuhin agad dahil lumilikha sila ng pangamba sa ordinaryong mamamayan.

“Kapag mag-inuman in public place, arestuhin mo. You’re not supposed to be drinking using the streets and alleys as… “Hulihin mo at ikulong ninyo.” Tutal may PAO naman bukas magpa-release, eh ‘di sige,” dagdag pa ng chief executive.

“Eh may balance naman eh. Inaasahan ko naman that kapag walang kasalanan and it’s just a matter of loitering around, but ang mga tao kasi takot eh. Takot na magdaan, lalo na ‘yang… Ang mga biktima nito, hindi ito ‘yung mga elitistang, p***** i***** mga ‘to. Ito ‘yung mga biktima ‘yung nagtatrabaho, mga salesgirl,” giit pa ng Pangulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with