^

Police Metro

Kian Body Cam Act, isinulong sa Kongreso

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isinulong ni Acts OFW Rep.Aniceto Bertiz III ang isang panukalang batas sa paggamit ng body camera ng mga pulis sa kanilang mga operations.

Sinabi ni Bertiz, isinulong niya ang House Bill No.6250 o ang The Kian delos Santos Body Cam Act of 2017 bilang pagkilala sa 17-anyos na estudyante na namatay sa anti-illegal drugs operations ng mga pulis noong nakalipas na Agosto 16 ng gabi sa Brgy. 160, Caloocan City .

Sinabi ng solon na kung may body camera lamang na suot ang Caloocan City Police raiding team ay magkakaroon ng malinaw na video na magsisilbing ebidensya  kung paano nasawi ang batang estudyante at agad na matutukoy ang mga responsable.

Binigyang diin ng mambabatas na dapat ay matagal ng gumamit  ng body cameras ang sinumang mga miyembro ng law enforcement agencies dahilan bahagi ito ng teknolohiya at maging sa proteksyong sibil ng mamamayan.

Alinsunod sa nasabing panukalang batas ay popondohan ng P200 M ang pagbili ng body cameras sa bawat isang miyembro ng police units na nasa operasyon ang trabaho partikular na sa anti-drug war at anti-criminality operations.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with