^

Police Metro

Ex-police major, anak dedo sa ambush

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival ang isang retiradong police Major at anak nito matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek sa naganap na ambush  kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.

Ang mag-amang nasawi ay kinilalang sina dating C/Insp. Hoover Pascual, dating naka-assign sa San Juan City police at anak nitong si Henrick Pascual, nasa hustong gulang at  kapwa residente ng 632 Coronado St., Brgy. Hulo ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, bago naganap ang ambush dakong ala-1:00 ng madaling araw ay sakay ang mag-ama ng kanilang Mercedez Benz (PJW-733) at binabagtas ang kahabaan ng Blumentritt St., nang dikitan ang kanilang kotse ng isang kulay puting van na hindi naplakahan at pagbabarilin ng tatlong lalaki na sakay nito.

Masuwerteng hindi tinamaan ang sakay ng kotse na si Marigold Remo na nobya ni Henrick na nasa passenger seat.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang van patungo sa direksiyon ng P. Cruz St.

Ang mag-amang Pascual ay naisugod pa sa Lourdes Hospital, pero idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with