^

Police Metro

Pamilya ni Kian isasailalim sa WPP

Doris Franche-Borja at Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadagdagan pa ang grupong nagpahayag ng suporta at tulong sa pamil­ya ng pinaslang na si Kian Loyd Delos Santos sa umano’y anti-illegal drug operation kamakailan sa Caloocan City.

Ayon sa  Volunteers Against Crime and Corruption, handa umano silang magkaloob ng tulong-ligal sa pamilya ni Kian para matiyak na mabibigyan ng kataru­ngan ang pagkamatay ng binatilyo.

Ayon kay VACC Spokesperson Arsenio Evangelista, imumungkahi rin nila kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na isailalim ang pamilya Delos Santos pati na ang mga gustong tumestigo sa pagpatay kay Kian sa Witness Protection Program para matiyak na uusad ang ihahaing kaso lalo pa’t sangkot ang mga pulis sa pagkamatay ni Kian.

Tiniyak ni Evangelista na suportado pa rin nila ang kampanya ng admi­nistrasyon laban sa iligal na droga, pero hindi umano ito dapat nauuwi sa pag-abuso ng mga pulis.

Samantala, iginagalang ng Malacañang ang karapatan ng mga mamamayan na mag-rally upang ihayag ang kanilang mga sentimi­yento kaugnay sa mga rally na balak idaos para kay Kian.

Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na pinapayagan nito ang mga protesta ng mga mamamayan basta’t hindi ito nagi­ging sagabal sa gawain ng publiko at hindi nalalagay sa alanganin ang seguridad ng mga mamamayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with