^

Police Metro

3 pulis na nakapatay kay Kian kakasuhan ng murder

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasong murder ang nakatakdang isampa ng pamilya ng pinatay na si Kian Loyd Delos Santos laban sa tatlong pulis na sangkot.

Ito ang naging pahayag ni Public Attorneys Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta sa pagtungo nito sa burol ni Kian kahapon ng umaga at dito ay hiniling ng pamilya ang re-autopsy dahil wala umano silang hawak na kopya ng autopsy report mula sa Philippine National Police (PNP) kaya isinailalim ng PAO Forensic Laboratory ang proseso sa bangkay ni Kian sa pangunguna ni Dr. Erwin Erfe.

Nakita ang mga sugat o trajectory ng 2 bala sa ulo at  isa sa likod matapos ang apat na oras na autopsy na ang ibig sabihin ay mismong mga sugat ng binatilyo ang magsasalita bilang ebidensiya habang walang nakitang bakas ng panlalaban.

Samantala, kung si Senator Chiz Escudero ang tatanungin, hindi lang murder ang isasampa sa mga pulis na sangkot kundi falsification of public documents at paglabag sa sinumpaang tungkulin ng mga pulis kapag lumabas sa pagsisiyasat ng Senado na “rubout” ang nangyari, tinaniman ng ebidensya ang biktima at dinoktor ang police report ng mga imbestigador at raiding team.

Sinabi ni Escudero na base sa kanyang napanood sa CCTV at sa mga pahayag ng mga testigo sa media, may paglabag ang mga pulis pero hihintayin umano muna niya na makapanumpa ang mga testigo sa Senate hearing at makita ang police report na nagsasabing nanlaban si Kian bago siya magbigay ng kanyang konklusyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with