^

Police Metro

Pamilya ni Kian handang magpa-drug test

Pang-masa
Pamilya ni Kian handang magpa-drug test

Nagsagawa ng ocular inspection ang mga ahente ng National Bureau of Investigation sa lugar kung saan napatay ng mga pulis ang 17-anyos na si  Kian Loyd Delos Santos. Michael Varcas

Hinamon si Bato...

MANILA, Philippines - Mariing pinabulaanan ng ama ni Kian Loyd Delos Santos ang alegasyon ng pulisya na drug courier at runner ang kaniyang anak para sa mga umano’y transaksiyon ng ilegal na droga nilang mag-anak.

“Ang mga kabarangay ko po ang magpapatunay kung anong klaseng bata po iyan si Kian. Mabu­ting bata po ang anak ko. Naghahanapbuhay po kami nang maayos. Hindi po siya pala-barkada,”ani Delos Santos.

Magugunita na nitong Linggo, Agosto 20, ay sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na ginagamit si Kian ng kanyang pamilya para maghatid ng droga sa mga parokyano nito.

Kaya’t hinamon ng ama ni Kian si Dela Rosa na mag-imbestiga at iginiit na wala sa ‘drugs watchlist’ ang anak. 

Sinabi ng ama ni Kian na mali ang mga paratang ni Bato at inimbita niya ito na mas maganda na pumunta ito sa kanilang lugar para magkaalaman at hindi ‘yong kung saan-saan siya nagsasalita.

Dismayado rin ang ama na naging biktima ang kaniyang anak ng kampanya kontra droga na sinuportahan pa man din nilang pamilya.

Hiniling ni Delos Santos na maparusahan ang pumatay sa kaniyang anak sa isasagawang imbestigasyon ng Senado.

Samantala, handa namang magpa-drug test ang pamilya Delos Santos upang mapatunayan na hindi sila gumagamit ng ilegal na droga.

Magugunita na batay sa report ng Caloocan police, nagpaputok umano ng baril ang 17-anyos na si Kian sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ ng mga pulis nitong Miyerkules, Agosto 16, pero lumalabas sa CCTV na binitbit ito ng dalawang pulis at saka pinagbabaril.

Samantala, nag-umpisa na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang ‘parallel investigation’ sa pagkamatay ni  Kian at nagtungo na sa Brgy. 160 Sta. Quiteria, Caloocan City ang mga tauhan ng NBI-Death Investigation Division upang personal na suriin ang ‘crime scene’ kung saan natagpuan ang bangkay.

Kasama ng NBI na nagsuri sa lugar ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pangunguna ni Atty. Persida Acosta.

Kabilang sa obserbasyon ni Acosta ang pagiging napakasikip ng lugar kung saan napaslang si Delos Santos sa kabila ng iginigiit ng pulisya na nanakbo umano siya.

Isinailalim naman sa otopsiya ang bangkay ng binatilyo na inisyal na natagpuan na nagtamo ng tatlong tama ng bala, dalawa sa ulo at isa sa katawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with