^

Police Metro

Police brutality, hindi kukunsintihin-NCRPO

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde na hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng police brutality.

Ito’y sa gitna na rin ng kaso ng pagkakapatay ng police operatives sa 17 anyos na binatilyong estudyante na si Kian Loyd delos Santos sa drug war sa Caloocan City nitong Miyerkules ng gabi.

 Ayon kay Albayalde, titiyakin niyang mananagot ang mga pulis na sangkot, sakaling mapatunayang may nagawang paglabag sa batas ang mga ito.

 Kumpiyansa rin si Albayalde na hindi rin kukunsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang uri ng pag-abuso ng mga kapulisan.

 “Ang sabi niya (Pres. Duterte), susuportahan niya ang war on drugs ng PNP hindi niya sinabing susuportahan niya ang mga abusadong pulis,” anang NCRPO Chief na sinabing sinibak na niya sa puwesto ang tatlong police operatives na sangkot sa insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with