^

Police Metro

2 drug pushers todas sa shootout

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawa pang pinaghihinalaang drug pushers ang napatay matapos na manlaban sa mga operatiba ng pulisya sa buy-bust operation sa Binondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PO3 Marlon San Pedro, imbestigador ng Manila Police District-homicide ang mga suspek na  kapwa nasa edad 35-40, may taas 5’5-5’6, ang isa ay nakasuot lamang ng stripe na short pants, habang ang isa ay naka sando na kulay itim at maroon na t-shirt, may hikaw sa kanang tenga.

Bandang  ala-1:25 ng madaling araw  nang isagawa ang buy-bust operation sa kahabaan ng Camba St. malapit sa Clavel St., Binondo, Maynila kung saan umaktong poseur buyer si PO1 Glenn George Mendoza, kasama ang kanilang impormante pero nakatunog ang mga suspek na nauwi sa shootout.

Isinugod pa sa Justice Jose Abad Santos Ge­neral Hospital (JJASGH)  ang suspek at ang isa ay isinugod naman sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) pero kapwa binawian din ng buhay ang mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with