^

Police Metro

Tulak sinalvage

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuang nakasilid sa garbage bag ang bangkay ng isang hinihinalang tulak ng droga matapos na paslangin ng hindi pa nakilalang mga salarin saka itapon ang bangkay sa isang kalye sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ang di pa kilalang biktima sa edad na 25 hanggang 30, nasa 5’5 ang taas, nakasuot ng kulay asul na pang-itaas at pula ang short pants, na napupuluputan ang katawan ng packaging tape.

Nabatid  sa isinumiteng ulat kay Senior Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, dakong ala-1 ng  madaling araw nang madiskubre  ng isang Ryan Francisco ang nasabing garbage bag  na  nakitang tao ang nasa loob, sa Quirino Highway, sakop ng Brgy. 179, Caloocan.

Naniniwala naman ang rumespondeng  mga tauhan ng Police Community Precinct 4 na pinangunahan ni SPO1 Rolando Ambalang  na hindi sa  nasabing lugar pinatay ang  biktima bagkus ay itinapon sa lugar upang ilihis ang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with