^

Police Metro

Independent Fact Finding Commission buuin na

Pang-masa

Sa summary killings sa drug war...

MANILA, Philippines - Sa gitna na rin ng tumataas na  bilang ng mga napapaslang na pinaghihinalaang mga drug perso­nalities, iminungkahi kahapon ni 1st District Albay Rep. Edcel Lagman kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo na ng Independent Fact Finding Commission upang imbestigahan ang mga kaso ng umano’y summary killings  sa bansa.

Ayon sa solon, ito’y sa gitna na rin ng nakababahalang pagtaas ng bilang ng mga drug deaths na sa loob lamang ng apat na araw na anti-drug war ng PNP sa Bulacan, lungsod ng Maynila at Caloocan ay halos nasa 80 ang nasawing suspect.

 “I  urge President Rodrigo Duterte to create immediately an independent fact-finding commission to thoroughly and impartially investigate the escalating summary killings related to the administration’s campaign against the drug menace,” ayon kay Lagman.

Kabilang sa mga nasawi ay ang pinagdududahan ng mga kritiko na nanlaban umano sa pulisya na isang 17 anyos na Grade 11 student na  si Kian Loyd delos Santos na napatay sa anti-drug war sa Brgy. 160, Caloocan City  noong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni Lagman na sa kaniyang panukala ang bubuuing Fact Finding Commission ay  dapat kinabibilangan ng mga retiradong mahistrado ng Korte Suprema at maging ng Court of Appeals.

 “Police authorities cannot be entrusted with the investigation because police officers and personnel are involved, while the leadership of the Department of Justice is a partisan ally of the President,” ani Lagman na sinabing hindi rin dapat na mga pulitiko na may personal na motibo ang magsagawa ng imbestigasyon.

 Kaugnay nito, binatikos naman ni Ifugao Rep. Teodoro Baguilat Jr., ang umano’y pananahimik ng mga Kongresista ng administrasyon sa tumataas na bilang ng mga drug-related killings kaugnay ng giyera sa droga ng PNP na aniya’y dapat ilagay sa lugar dahilan nakasubaybay dito ang buong mundo.-Joy Cantos -

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with