^

Police Metro

2 Maute-ISIS reinforcers utas sa encounter

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napaslang ang dalawang pinaghihinalaang reinforcers ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na magdadala ng mga armas at bala sa kanilang mga kasamahang terorista sa loob ng war zone matapos na masukol  ng tropa ng mga sundalo sa bakbakan sa Lake Lanao, Marawi City kamakalawa.

Sinabi ni Joint Task Force (JTF) Marawi Spokesperson Captain Jo-ann Petinglay, ang mga suspek ay lulan ng bangka na naispatang naglalayag sa Lake Lanao nitong Biyernes.

Akmang sisitahin ng tropa ng pamahalaan ang mga suspek nang bigla ang mga itong magpa­putok na nauwi sa  ilang minutong habulan at bakbakan sa lawa.

Ayon kay Petinglay, tinamaan ng bala mula sa cal 50 machine gun ang mga suspek kaya nahulog ang bangkay ng isa sa mga ito sa nasabing lawa na hindi pa narerekober ng security forces.

Nasamsam sa lugar ang bangkay ng isa sa mga suspek, rifle grenades, 55 rounds ng 7.62 MM, dalawang rounds ng Rocket Propelled Grenades (RPG, booster charger at mga floating devices.

Magugunita na nagdeploy ng tropa ng JTF Marawi sa Lake Lanao upang mapigilan ang pagtakas ng mga terorista sa lungsod ng Marawi at gayundin ang reinforcement ng mga kalaban kabilang na ang pagtatangka ng mga dayuhang terorista na sumaklolo sa bakbakan.

Sa kasalukuyang tala,   sa ika-89 araw ng bakbakan nasa 128 na ang security forces na nagbubuwis ng buhay, 573 sa hanay ng Maute-ISIS at nanatili naman sa 45 ang mga sibilyang binawian ng buhay sa Marawi City siege na nag-umpisa pa noong Mayo 23 .

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with