^

Police Metro

Mahigit 100 estudyante nalason sa choco milk shakes

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aabot sa mahigit 100 mga estudyante sa isang paaralan sa high school ang isinugod sa pagamutan matapos na umano’y malason sa ininom na choco milk shake sa kanilang canteen sa Quezon City kamakalawa.

Kasalukuyang nilalapatan ng pangunahing lunas sa Novaliches District Hospital, Bernardino General Hospital (BGH) at FEU Hospital ang tinatayang aabot sa 176 mga estudyante ng Santa Lucia High School sa naturang lungsod.

Halos sabay-sabay umanong dumaing ang mga ito nang pananakit ng ulo, sakit ng tiyan  at pagsusuka.

Base sa inisyal na ulat  na natanggap ng Quezon City Police District (QCPD),  sinabi ni City Health Department Dra. Verdades Linga, nagsimula umanong isinugod ang mga estudyante ala-1 ng hapon ng Biyernes sa kanilang school clinic hanggang kinagabihan.

Ayon sa  isang biktimang estudyante na hindi na pinabanggit ang pa­ngalan dahil sa ito’y menor de edad, na nakalabas na ng ospital,  sinabi nito na mapait ang lasa at amoy sabon umano ang nainom nilang choco milk shake. 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito habang nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang ilan sa mga estud­yante bago maghatinggabi hanggang itong Sabado ng umaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with