^

Police Metro

4 drug suspects itinumba sa QC

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Patay sa pamamaril ang apat na kalalakihan na umano ay sangkot sa droga naganap sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ferdinand Ibanez “alias Tata”, 38, ng Gregorio Compound, Interville Subdivision, Novaliches; John Francis Arnildez, 32, ng Sebastian St., San Roque 2, Brgy. Bagong Pag-asa; “alias Butchoy”, nasa hustong gulang, ng Austria St., Brgy. Novaliches Proper; at Dannypel Ballad “alias Bong”, 41, ng #248 Daisy St., Brgy. Payatas.

Sa ulat, alas-8:20 ng gabi nang barilin ng hindi kilalang mga suspect si Ibanez sa panulukan ng Clemente at Betlehem Sts., Brgy. San Agustin. Kasunod ay dakong alas-10:20 ng gabi nang pagbabarilin din ng hindi pa nakikilalang salarin si Arnildez sa #26 Capricorn St., San Roque 2, Brgy. Bagong Pag-Asa.

Si alias Butchoy naman ay binaril ng apat na kalalakihang magkakaangkas sa dalawang motorsiklong walang plaka sa #21 Compound, Austria St., Brgy. Novaliches Proper, Novaliches.

Samantalang, alas-2:10 naman kahapon ng mada­ling araw nang pagbabarilin ng anim na mga kala­lakihang nakamaskara   si Ballad nang pasukin ito sa loob ng kanyang bahay.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with