^

Police Metro

Abusadong pulis mananagot

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Mas ligtas ang lansangan ngayon-Malacañang...

Mananagot at hindi kukunsintihin ang mga pulis na mapapatunayang umaabuso sa kanilang tungkulin.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa gitna ng pagkamatay ng 17-anyos na estudyante sa Caloocan City na sinasabing hindi naman totoong nanlaban sa pulisya base sa kuha ng CCTV at mga lumutang na testigo.

Anya, bagaman at hindi niya tiyak kung ano ang nasa isip ng Pa­ngulo tungkol sa isyu ay nakatitiyak siyang hindi nito kukunsintihin ang mga lumalabag sa batas at umaabuso sa katungkulan.

Sinabi pa ni Abella na otomatiko naman ang gagawing pag-iimbestiga ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police.

Subalit, tiniyak ni Abella na mas ligtas ang mga lansangan sa ngayon sa kabila ng biglang pagtaas na naman ng bilang ng mga napapatay dahil sa ilegal na droga at tinawag nitong“isolated” ang kaso ng pinatay na estudyante sa Caloocan na anak ng isang overseas Filipino worker. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with