^

Police Metro

Tatay patay sa anak na baliw

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang anak na may diperensiya sa pag-iisip ang kanyang 75-anyos na ama naganap kahapon ng umaga sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Kinilala ni Police Ins­pector Helen Galvez, chief ng Public Information Office (PIO) region 9 ang biktima na si William Carvajal. Habang agad namang nadakip ang suspek na si Niño Gaco Carvajal, 35.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-7:05 ng umaga sa labas ng bahay ng mag-ama sa  Purok Nangka, Brgy Tuburan, Pagadian City na noon pang Agosto 16 ay nawala na sa katinuan ang suspek na lagi na lamang nagwawala.

Kahapon ng umaga ay papasok ng trabaho ang biktima nang big­la na lamang siyang pinagtataga ng suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with