^

Police Metro

Gwapotel isinara na

Pang-masa
Gwapotel isinara na

Nakiusap ang aleng ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag sanang ituloy ng MMDA ang paggiba sa Guwapotel sa kahabaan ng Bonifacio Drive, Port Area, Maynila dahil malaki umano itong tulong sa kanila na ang bahay ay nasa lalawigan. Edd Gumban

MANILA, Philippines - Nagkaroon muna ng tensyon sa pamamagitan ng nasa 600 tenants at manggagawa ng Gwapotel na matatagpuan sa Bonifacio Drive, Port Area, Maynila sa mga tauhan ng Metro Manila Development Authority bago tuluyan itong napa­sara kahapon ng umaga.

Ayon kay MMDA General Manager Tho­mas ‘Tim’ Orbos, luma at ‘condemned building’ na ang Gwapotel kaya kailangan ipasara para ipaa­yos at muling magamit.

Ginawa ang pagpapasara sa kabila ng mariing pagtutol ng mahigit sa 600 manggagawa na nawalan ng murang tulugan sa halagang 50 pesos sa loob ng 12 oras.

Ayon naman sa mga tenant, ang Gwapotel ay hindi totoong ‘condemned na, sa halip patuloy na ginagamit ng ilang Overseas Filipino Workers (OFW) na naglalakad ng kanilang mga papeles sa Metro Manila.

Ito rin ang pahingahan ng mga naglalako ng pa­ninda sa kalye, taxi driver, construction wor­kers at iba pa.

Ang Gwapotel, na mas kilala sa tawag na Hotel Gwapo, ay pa­ngunahing proyekto ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at da­ting MMDA Chairman Bayani Fernando.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with