^

Police Metro

3 drug suspek pinatay sa QC

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong lalaki na umano’y sangkot sa droga ang napatay sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Unang pinatay ng hindi pa kilalang suspek ang isang alyas Junior, na number 5 drug perso­nality ng Pulong Diablo, E. Rodriguez Sr. Avenue, Brgy. Tatalon ng naturang siyudad at nasamsam ang isang kalibre 45 baril, mga bala, anim na pirasong plastic sachet ng shabu.

Kasunod dakong ala-1:15 ng madaling araw ay napatay ang hindi pa kila­lang suspek na ang edad ay nasa 20 hanggang 30, nasa  5’2” ang taas, nakasuot ng kulay berdeng t-shirt na may tatak na Adidas at black gray na  short pants at nasamsam ang limang plastic na nag­lalaman ng shabu.

Ang ikatlo ay naganap alas-2:40 naman kahapon din ng madaling araw ay pinagbabaril at pinatay din ang biktimang si Arturo Patino, 50, mismo sa loob ng tinitirhan nito sa #122 Ilang-Ilang St., Area A, Brgy, Payatas, Quezon City ng isang Jefferson Palaruan na pumasok sa kanyang bahay.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with