^

Police Metro

Nobyo na karnaper, ipinaaresto ng nobya

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagsak sa kulungan ang isang 29-anyos na lalaki nang maaresto sa entrapment operation matapos ireklamo ng nobya sa pagtangay nito sa kanyang kotse at ipatubos naganap kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang suspek ay kinila­lang si Michael Jansen Silos, jobless, residente  ng no. 003 Pildera 1, Pasay City.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nitong Martes nang arestuhin sa entrapment operation si Silos ng mga tauhan ng Malabon Police Anti-Carnapping Unit sa Monumento Circle sa Caloocan City.

Batay sa isinampang reklamo ng nobyang si Irene Balubar, 32, dakong alas-4:00 ng hapon ay iniwan niya sa kanyang bahay sa Olvina Homes, Santan St., Brgy. Potrero ang nobyong si Silos para mag-shopping sa mall sa Caloocan City.

Pag-uwi niya ng bahay ay wala na doon ang nobyo at maging ang kanyang kotse na Honda Civic (TRC-592) kasama ang certificate of registration at nang tawagan ang nobyo sa cellphone ay hindi na ito makontak kaya’t ito ay idinulog sa pulisya.

Bandang alas-10:30 ng gabi nang tumawag ang suspek sa nobya at hiningian umano siya ng halagang P15,000 para mabawi ang sasakyan.

Pumayag ang biktima na makipagkita sa suspek para ibigay ang pera, su­balit lingid sa suspek na nakapaligid na sa lugar ang mga pulis kaya’t nang dumating ang suspek dala ang kotse at nang tinanggap ang pera ay dito na siya inaresto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with