^

Police Metro

Kongreso handa sa ‘impeach’ Sereno

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinabi ni House Spea­ker Pantaleon Alvarez na kung may mambabatas na mag-endorso sa isinampang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay sisimulan na nila ang proseso upang alamin kung may sapat na basehan bago talakayin ng mambabatas.

Magugunita na unang nagsampa ng impeachment ang grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Dante Jimenez laban kay Sereno sa House Secretary General.

Habang ang ikalawang impeachment complaint na isasampa rin laban kay Sereno ay si Atty. Larry Gadon ay naghihintay pa ng mga mambabatas na mag-eendorso dito.

Agad na magsasagawa ng Committee hearing ang Kamara base sa mga certified true copies  sa lahat ng alegasyon laban kay Sereno ng mga naghahain ng impeachment complaint.

 Kabilang naman sa basehan ng impeachment complaint laban kay Sereno ay ang betrayal of public trust na isang impeachable offense sa 1987 Constitution, pagbili nito ng Toyota Land Cruiser na nagkakahalaga ng P 5.1 M na umano’y nasa P4.5 M lamang ang orihinal na presyo.

Bukod kay Sereno kabilang pa sa sinampahan ng impeachment complaint sa Kamara ay sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Una nang dinismis ng Kamara ang impeachment complaint laban kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte habang nakabinbin rin  ang isyu ng impeachment laban kay Bise Presidente Leni Robredo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with