^

Police Metro

Alvarez kay Faeldon: Mag-resign ka na!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Resign and spare President Duterte from further embarrassment!

Ito ang mariing tinuran kahapon ni House Speaker Pantaleon Alvarez laban kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon kaugnay ng imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs sa smuggling ng P 6.4 bilyong droga sa kagawaran nito.

Ang smuggling ng 604 kilo ng droga na nagkakahalaga ng P 6.4 bilyon ay kapwa iniimbestigahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Bunga ng pagkakabulgar ng kontrobersya sa smuggling ng bilyong halaga ng droga sanhi ng umano’y pagtanggap ng tara o suhol ng mga tiwa­ling opisyal ng BOC ay umani ng pagbatikos ang nasabing tanggapan.

Magugunita na sa pagdinig ng House Ways and Means Committee noong Agosto 7 ay tinukoy ng Customs broker na si Mark Taguba ang mga pangalan ng umano’y mga opisyal ng kagawaran na umano’y tumanggap ng tara para mailusot ang shipment ng mga kargamentos na naglalaman ng droga sa ‘green lane’.

Kabilang sa mga pina­ngalanan ni Taguba ay sina Customs Intelligence Chief  Director Neil Anthony Estrella; Milo Maestrecampo, Director ng BOC Import and Assessment Service; Deputy Commissioner Teddy Raval; District Collector Vincent Philip Maronilla, isang alyas Teddy Sagaran at iba pa na pulos alyas ang mga ginamit na pangalan.

Bunga ng insidente ay nagbitiw naman sa puwesto sina Estrella at Maestrecampo na nagsabing lilinisin nila ang kanilang mga pangalan.

Sinabi naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na irerekomenda ng kaniyang panel kay Pa­ngulong Duterte na huwag ng mag-atubiling sibakin sa puwesto si Faeldon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with