Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Gobyerno minomonitor ang tensyon ng US vs NOKOR

MANILA, Philippines - Dahilan sa posibleng idulot na panganib, patuloy na minomonitor ng Office of Civil Defense (OCD) ang umiinit na tensiyon sa pagitan ng pamahalaan ng Estados Unidos at North Korea kaugnay ng banta ng huli na magpapakawala ng apat na missiles sa Guam na bahagi ng teritoryo ng super power na bansa.

“Your OCD is closely monitoring the situation involving North Korea”, pahayag ni Assistant Secretary Kristoffer James Purisima.

Sinabi ni Purisima na bagaman umaasa silang hindi itutuloy ng North Korea ang banta nito ay mas mabuti na ang maglatag ng ‘contingency measures’ o maghanda sa posibleng idulot nitong epekto sa mamamayan.

“In coordination with relevant government agencies, we are preparing appropriate contingency plan, alerts and warnings for the information and protection of our civilian populace and to address any eventuality”, ani Purisima.

Una rito, sinabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na baka sa Luneta bumagsak ang nuclear missile na ibinanta ni North Korean  President Kim Jong–un na pakakawalan sa Pacific Island ng Guam.

Sa kabila nito ay inihayag naman nitong Biyernes ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., na malabo ang posibilidad na tumama ang nuclear missile ng North Korea sa bahagi ng Northern Luzon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kapag nagkataon dito’y apektado ang Pilipinas na nasa layong 3,102 milya lamang mula sa North Korea habang ang Guam naman ay nasa 2,100 kilometro kung saan kapag nagkataon maiipit sa gitna ang bansa.

Nabatid na ipinag-u­tos na ni Kim Jong–un, Supreme Leader ng Democratic People’s Republic of North Korea sa Korean’s People’s Army na pakawalan ang apat na Hwasong 12 nuclear weapons sa Guam, isa sa teritoryo ng Estados Unidos. Ang plano ay isasagawa umano sa kalagitnaan ng buwan ng Agosto.

Samantalang bilang tugon ay binalaan naman ni Donald Trump si Jong –un na huwag isasagawa ang anumang pag-atake sa US territory at maging sa mga kaalyado nitong bansa kung hindi nais ng North Korea na pagsisihan nito ang resbak ng Amerika.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: