Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

3.6 pang toneladang shabu missing

Smuggling sa Customs...

MANILA, Philippines - Ibinulgar kahapon ni Puwersa ng Baya­ning Atleta (PBA) Rep. Jericho Nograles na tinatayang aabot pa sa 3.6 toneladang shabu ang naipuslit sa Bureau of Customs at pina­ngangambahang ipinakalat na ng mga big time drug lords sa merkado sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ginawa  ni Nograles ang pahayag kaugnay ng  umiinit na imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs sa  605 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bil­yon  na nabawi sa raid sa Valenzuela City noong Mayo 26 ng taon matapos namang maipuslit sa kagawaran.

Sinabi ni Nograles na lahat ng shabu shipment kung saan tumayong broker ang testigong si Mark Taguba II ay nakasilid sa mga container ng prin­ting machine cylinders na idineklarang ‘moulds’ at binigyan ng prebilihiyo para makadaan sa ‘green lane’ ng umano’y mga tiwaling opisyal ng BOC na tumanggap ng tara o lagay.

Ayon kay Nograles, base na rin sa pag-amin ng nagbitiw sa puwestong si BOC Intelligence and Investigation Service Director Neil Anthony Estrella, nasa 2,000 kilo mula sa kabuuang 12,700 kilo na nasa loob ng 40 footer container ang kanilang na-account.

“The bill of lading of the 40-footer container declared a net weight of 12.7 metric tons. The BOC can only account for 600kgs of Shabu and give or take 1.4 tons of pac­kaging. Where is the rest of the 10 tons?” kuwestiyon ni Nograles.

Inihayag ni Gonzales na kung ang nasabing mga shipment ay nasingitan ng shabu base na rin sa tip ng mga awtoridad sa China ay tinatayang nasa 3.6 tonelada pang shabu ang ngayon ay nakakalat sa merkado.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Samantalang nitong nakalipas na Huwebes ay nadiskubre ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong crates na naglalaman ng kahalintulad na cylinders sa isang apartment sa Sampaloc, Manila pero nang buksan ang mga cylinders ay wala na ang mga laman nito na hinihinalang nailipat na ng sindikato ang droga.

“This only confirms my position that the five crates discovered in Valenzuela were part of a bigger shipment that ma­naged to get through BoC’s green lane. This could be part of the 12.7 ton 40-foot container which was also the source of the Valenzuela cylinders or worse, it’s from another shipment”, giit pa nito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: