Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bird flu scare: Bentahan ng manok humina

Nasa larawan ang mga manok na ibinebenta ng mga vendor sa Baguio City para gawing ‘pinikpikan ‘ isang uri ng masarap na putahe  kung saan matumal ang benta sanhi ng pagkaalarma ng netizens sa avian flu virus sa Pampanga. Andy Zapata  

MANILA, Philippines - Dahilan sa bird flu outbreak sa Pampanga, humina ang bentahan ng manok dulot ng pangamba ng mamamayan sa iba’t-ibang merkado partikular na sa mga kanugnog lugar at maging sa Metro Manila.

Bunga nito, hinikayat kahapon ni Senador Kiko Pangilinan si Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin ang lahat ng ahensya ng gobyerno upang magkaroon ng komprehensibong plano laban sa avian flu outbreak.

“Tinatawagan namin si Pangulong Rodrigo Duterte na tipunin ang lahat ng ahensya at magkaroon ng komprehensibong plano ng mga aksyon para maitakda ang mga kinakailangang hakbang sa pagharap sa avian flu,” sabi ni Pa­ngilinan.

Nabatid na nagdeklara na rin ng state of calamity si Pampanga Governor Lilia Pineda sa San Luis, Pampanga dahilan anim na poultry farm dito ay apektado ng bird flu outbreak.

Sinabi pa ni Pangilinan na ito ang kauna-unahang avian flu outbreak sa bansa at dapat mag-usap lahat ng ahensiya ng gobyerno kung papaano mabibigyan ng proteksiyon ang mga apektadong sektor.

“Habang hinaharap natin ang avian flu outbreak sa Pampanga, ang kauna-unahan sa Pilipinas, hinihimok natin ang isang pinagsamang pagsisikap mula sa lahat ng mga kagawaran at ahensya ng gobyerno para matugunan ito sa lahat ng larangan at para protektahan ang mga bulnerableng sektor laban sa epekto ng virus,” pahayag ng Senador .

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Samantalang patuloy namang minomonitor ng palasyo ang bird flu outbreak sa Pampanga.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: