^

Police Metro

Lalaki na may TB, naglaslas ng leeg

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 52-anyos na lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag­laslas sa kanyang leeg dahil umano sa hindi na nito makayanan ang sakit na Tuberculosis, naganap kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si Gerardo Evangelista, jobless at residente ng no.6770 Libis Espina,  Barangay 18, Caloocan City.

Sa salaysay ng anak ng biktima na si Rico Evangelista, 30 na dakong alas-4:30 ng hapon nang makita niya ang ama na duguang nakahandusay sa unang palapag ng kanilang bahay.

Hindi umano akalain ni Rico na may planong magpatiwakal ang ama nang maghanap ito sa kaniya ng kutsilyo habang siya at ang 8-buwang sanggol na anak ay papaakyat upang matulog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with