^

Police Metro

Obrero pinatay sa selos

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 47-anyos na construction worker nang pagsasaksakin ng isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi dahil sa mga saksak sa tagiliran, dibdib at mukha ay kinilalang si Ricardo De Mesa, residente ng no. 378 Ibarra St., Tondo.

Tumakas ang suspek na kinilalang si Romeo Constantino Jr. alyas “Pangie”, ng no. 340 Sandico St., Tondo na sinasabing kalalabas lamang ng bilangguan dahil sa kaso ng iligal na droga.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay nag­lalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang habulin ng suspek at nang maabutan sa Sandico St., kanto ng Pacheco St., ay agad itong pinagsasaksak.

Sa pahayag ng kaanak ng biktima na selos ang motibo ng pagpatay dahil sa ang karelasyon ng una ay dating asawa ng suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with