^

Police Metro

Pulis patay sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang pulis nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek sa naganap na ambush kamakalawa sa Tanauan City, Batangas.

Ang nasawi ay kinila­lang si PO3 Eric Lindo, 46 dating nakadestino sa Sto.Tomas Municipal Police Station (MPS) at ngayo’y nagre-report sa Holding Center sa Camp Crame, Quezon City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon sa kahabaan ng Purok 6, Brgy. Pagaspas ay kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kaniyang kulay itim na Mitsubishi Lancer (PLR-758) patu­ngong Brgy. Sala kasama ang helper nitong si Cristoto Manimtim.

Pagdating sa tulay na nag-uugnay sa Tanauan City at Sto. Tomas  ay pinagbabaril ito ng nag-aabang na mga suspek.

Nagawang makadapa si Manimtim habang pilit namang pinaharurot ng parak sa kabila ng sugatan ang kaniyang sasakyan, subalit hinabol pa rin ito ng mga suspek at muling pinagbabaril.

Kinuha ng mga suspek ang kulay itim na sling bag at service firearm saka mabilis na nagsitakas lulan ng kulay asul na Honda Civic na nakaparada sa kabilang kalsada malapit sa crime scene.

Narekober sa crime scene ang 29 basyo hindi pa natukoy na armas, relo nito at P 1,050.00 cash at dalawang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with