^

Police Metro

‘Gorio’, habagat nagpabaha sa Metro Manila

Pang-masa
�Gorio�, habagat nagpabaha sa Metro Manila

Ilan lang ang P. Burgos St., Maynila ang nilubog sa baha dahil sa pananalasa ng bagyong Gorio at Habagat kahapon.

MANILA, Philippines - Matinding pagbaha dulot ng ulan na dala ng bagyong Gorio at habagat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karatig na lugar kahapon na nagdulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Base sa report ng Office of Civil Defense (OCD) National Capital Region, kabilang sa mga binahang lugar ay ang kahabaan ng N. Domingo Gilmore, Araneta, Maria Clara, Calamba, Amoranto  na hindi madaanan ng maliliit na behikulo, hanggang tuhod ang baha sa Biak na Bato, hanggang gulong ng behikulo sa SM Centerpoint westbound; pawang sa Quezon City.

Sa bahagi ng Dapitan Mayon, Brgy. Sta Teresita, maging  sa Araneta, Victoria, Brgy.  Tatalon ay hanggang balikat rin ang baha na hindi na madaanan ng anumang uri ng behikulo.

Sa kahabaan ng Edsa ay hanggang hita sa may bahagi ng Taft  sa Pasay City; hanggang tuhod sa Roxas Boulevard; abot sa gulong ng behikulo sa Santolan Service Road, gayundin sa Camp Aguinaldo Gate 3; hanggang gulong sa Shaw Boulevard at maging sa Ortigas habang hanggang tuhod naman sa Magallanes MRT northbound.

Ayon pa sa report sa kahabaan ng C5 ay hanggang tuhod sa bahagi ng Hypermart northbound at southbound; hanggang tuhod sa Canley Road southbound, hindi madaanan ng maliliit na behikulo ang Kalayaan Road southbound habang hanggang gulong naman ang baha sa McKinley Hills southbound.

Iniulat naman na sa lungsod ng Maynila ay hanggang gulong ng behikulo ang baha sa kahabaan ng Rizal ­Avenue; Osmeña, Quirino L. Guinto; hanggang tuhod sa España Antipolo; hindi madaanan  ng maliliit na behikulo ang bahagi ng Romualdez, Taft; hanggang baywang sa Manila City Hall; hindi madaanan ang Bonifacio Drive, Roxas Katigbak, hindi rin madaanan ng anumang uri ng behikulo ang kahabaan ng F. Manalo Blumentritt;  pawang sa lungsod ng Maynila.

Sa katimugang bahagi ng Metro Manila ay hanggang tuhod naman ang baha sa kahabaan ng Villamore; hindi madaanan ng mga behikulo ang bahagi ng SM Sucat; hanggang tuhod ang baha sa bahagi ng Baclaran-Redemptorist, hanggang tuhod sa ­Pasay Drive at hanggang baywang naman sa may Osmeña-Buendia.

Iniulat na dumanas rin ng mga pagbaha ang ilang bahagi ng Camanava area kabilang dito ang  Caloocan City sa bahagi ng Balintawak Cloverleaf sa harapan ng St. Joseph Church sa north bound; sa Malabon City at sa bahagi ng Tonsuya, P. Bautisa, E. Aquino at iba pa.

Sa Taguig City ay dumanas ng pagbaha na hanggang gulong ang C5 sa bahagi ng Market Market sa southbound at ma­ging ang ilan pang mga lugar sa lungsod naman ng Makati.

Pinag-iingat naman ng mga opisyal ng NDRRMC ang publiko dahilan sa nakataas ang yellow rainfall warning sa Metro Manila, Cavite at maging sa Bulacan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with