^

Police Metro

Terror attack sa Southeast Asia asahan pa

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Asahan pa umano ang mas maraming pang-aatake na magaganap sa Southeast Asia kasama ang Pilipinas na tulad ng nangyari sa Marawi City.

Ito ang sinabi ni Sidney Jones, director ng Institute of Policy Analysis of Conflict (IPAC), hindi magtatapos ang paghahasik ng terorismo kahit mapagtagumpayan pa ng security forces ng Pilipinas ang IS inspired group sa Marawi.

Mananatili aniya ang banta ng terorismo sa mga kalapit na bansang Malaysia at Indonesia.

Ayon pa kay Jones, kapag natapos na ang bakbakan sa Marawi, sunod na hakbang ng Southeast Asian ISIS leaders ay ang hikayatin ang kanilang mga tagasunod na mag­lunsad ng pag-atake laban sa mga dayuhan o foreign institutions.

Kaugnay nito, sinabi ni Indonesian Police spokesman Setyo Wasisto na nagtaas na sila ng alerto at patuloy ang pag-monitor sa mga mamamayan nilang bumabalik sa bansa na ga­ling ng Pilipinas lalo na sa Marawi.

Nauna nang napaulat na mayroong 20 Indonesian terrorists na kasamang nakikipagbakbakan sa Marawi City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with