^

Police Metro

Pulis nalunod sa baha

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay ang isang pulis matapos malunod nang suungin ang rumaragasang tubig baha para sana mag-duty sa kanyang trabaho sa bayan ng Buldon, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si PO1 Nasser Macapantar, 44-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Mataya ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at patungo ng PNP Maguindanao PPO na nasa Sharif Aguak para mag-duty nang umapaw ang tubig sa bahagi ng Sitio Riverside, Brgy. Dinganen.

Kahit na rumaragasa ay nagpatuloy pa rin ang biktima at pagsapit sa bahagi ng Dinganen bridge ay natumba ang sinasakyang motorsiklo hanggang sa dumiretso sa ilalim at tuluyang nalunod.

Inabot din ng ilang minuto bago naiahon ang biktimang pulis at nabigo na maisalba ang buhay nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with