^

Police Metro

Duterte ‘inutusan’ si Bato na ibalik si Supt. Marcos sa trabaho

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte �inutusan� si Bato na ibalik si Supt. Marcos sa trabaho

Ito ang lumabas sa pagdinig kahapon ng Senate committees on public order and dangerous drugs at justice and human rights nang tanungin ni Senator Grace Poe si Dela Rosa kung sino ang nag-utos sa kanya na ibalik sa puwesto si Marcos na sangkot sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa Sr. dahil nasasayang lamang ang ipinapasuweldo ng gobyerno sa mga ito. AP, File

MANILA, Philippines - Bagama’t hindi tahasang tinuran ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa na siya ay inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibalik sa trabaho si Supt. Marvin Marcos ay palagi umano siyang sinasabihan ng Pa­ngulo na pagtrabahuhin ang grupo ng huli.

Ito ang lumabas sa pagdinig kahapon ng Senate committees on public order and dangerous drugs at justice and human rights nang tanungin ni Senator Grace Poe si Dela Rosa kung sino ang nag-utos sa kanya na ibalik sa puwesto si Marcos na sangkot sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa Sr. dahil nasasayang lamang ang ipinapasuweldo ng gobyerno sa mga ito.

“The President always intimated to me, whenever we talk, he said that kung pwede ng pagtrabahuhin yang mga taong yan, wala ng nagba-bar sa iyo, patrabahuhin na yan, sayang sumusweldo mga tao na yan, pera ng gobyerno, sweldo nila tapos wala silang ginagawa,” sabi ni Dela Rosa.

Nilinaw rin ni Dela Rosa na bakante ang posisyon ng hepe ng CIDG Region 12 kaya doon niya inilagay si Marcos.

Dating nakatalaga sa CIDG Region 8 si Marcos nang masangkot ito sa pagpatay kay Espinosa.

Matatandaan na nakapaghain ng piyansa si Marcos matapos ibaba ang kaso mula sa murder sa homicide na naging dahilan para magsagawa ng imbestigasyon ang Senado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with