Bayolenteng raliyista aarestuhin, ikakalaboso
MANILA, Philippines - Nagbabala si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde na aarestuhin at ikakalaboso ang mga bayolenteng raliyista kaugnay ng gaganaping ika -2 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes (Hulyo 24).?
Ayon kay Albayalde, may mga iikot na mobile jail ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung saan pansamantalang ikukulong ang mga bayolenteng raliyista bago ang mga ito dalhin sa mga police precinct para imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso.
“ Meron tayong mobile jails from BJMP, just in case na meron talagang manggulo, we have to make arrests, as we have repeatedly said sa ating mga kababayan, while we respect democracy and freedom of speech, freedom of assembly we cannot allow anybody to trample with our laws”, mariing banta ng NCRPO Director.
Inihayag ng opisyal na ‘all sets go’ na ang NCRPO sa gaganaping SONA ni Pangulong Duterte .
Sinabi ni Albayalde na paiiralin ng pulisya ang maximum tolerance at nakiusap rin sa mga magsisipagprotesta na sumunod sa panuntunan at idaos ang kanilang mga sentimiento sa mapayapang paraan.
Ang PNP ay magdedeploy ng 6,300 pulis habang isang batalyon o 500 namang sundalo ang ipakakalat bukod pa sa 500 standby forces sa Camp Aguinaldo na handang magresponde sakaling may mga sumiklab na kaguluhan. Bukod dito may mga augmentation team rin sa Camp Crame mula sa Police Regional Office (PRO) IV-A at maging sa Central Luzon.
- Latest