^

Police Metro

578 death toll sa bakbakan sa Marawi

Joy Cantos - Pang-masa

Sa 60 araw na martial law...

MANILA, Philippines - Kaalinsabay ng pagtatapos ng 60 araw na ­unang deklarasyon ng martial law sa buong rehiyon ng Mindanao, umaabot na sa 578 ang kabuuang death toll sa pagpapatuloy na bakbakan ng tropa ng mga sundalo at ng Maute -Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Marawi City  hanggang nitong Sabado ng hapon.

Sinabi ni Marine Co­lonel Edgard Arevalo, Chief ng AFP Public Affairs Office, tumaas na sa 105 ang nasawing mga sundalo hanggang dakong alas-2 ng hapon nitong Sabado o karagdagang anim pang bayaning nagbuwis ng buhay.

Ang 60 araw na martial law na unang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 23 ay pormal na nagtapos nitong Sabado kung saan sa botohan sa Kongreso ay inaprubahan naman ito na mapalawig pa ng hanggang Disyembre 31, 2017 ng taong ito.

Ayon kay Arevalo na 428 naman ang nasawi sa mga kalaban at nasa 45 sa hanay ng mga sibilyan kabilang ang mga brutal na pinaslang ng mga terorista.

Samantalang sa ulat ng Joint Task Force (JTF) Marawi ay nasa 896 ang mga sugatang sundalo na karamihan ay tinamaan ng sharpnel mula sa eksplosibo ng grenade launcher ng mga terorista  na maraming mga snipers kabilang ang tinutugis na mga dayuhang ISIS.

Naitala naman sa 526 ang nasamsam na mga armas ng tropang gobyerno at nasa 1,723 ang nasagip na mga sibilyan na hinostage at na-trap sa bakbakan.

Magugunita na noong Mayo 23 ay nagdeklara ng 60 araw na martial law si Pangulong Duterte sa buong rehiyon ng Min­danao matapos namang lusubin ng daang puwersa ng Maute -ISIS ang lungsod na naghasik ng terorismo tulad ng panununog ng mga gusali , pangho-hostage at pamamaslang ng mga sibilyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with