^

Police Metro

Kampanya sa implementasyon ng smoking ban, pinasimulan na

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magsasagawa ngayon ng promotional campaign ang Department of Health sa Maynila bilang paghahanda sa implementasyon ng Executive Order no. 26 o Nationwide Smoking Ban sa Linggo.

Kabilang sa pinagdausan ng kampanya ay ang Andres Bonifacio Elementary School, San Lazaro Hospital, SM San Lazaro at Jollibee sa Tayuman, Maynila kung saan nagkabit sila ng mga ‘No Smoking’ posters at nagpaalala sa publiko kaugnay sa smoking ban.

Sa pangunguna ni Health Assistant Secretary Eric Tayag, muli nilang pinaalalahanan ang publiko na wala nang magaganap na adjustment period, at ganap nang ipa­tutupad ang smoking ban kung saan maaaring magmulta ang mga mahuhuling lalabag ng P500 hanggang P10 libong piso o pagkakakulong, o pagkasuspinde ng license to operate para sa mga pasaway na establisi­yemento.

Umaasa ang DOH ng buong kooperation sa mga LGUs kabilang ang pagbuo ng mga ito ng Smoke Free Task Force na partikular na tututok sa mga lalabag sa smoking ban.

Umaasa ang DOH na marami ang titigil na sa paninigarilyo gaya noong 2012, kung saan nasa 1 milyong Pinoy ang naitala ng ahensya na tumigil sa paninigarilyo matapos patawan ng mas mataas na buwis ang mga tobacco products.

Ayon kay Tayag, makabubuting humingi ng tulong sa kanilang Quit Hotline 165 364, para sa mga nagnanais huminto na sa paninigarilyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with