^

Police Metro

Karnaper bulagta sa barilan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis ang isang lalaki sa isang barilan habang lulan ito ng isang motorsiklo na kanyang kinarnap sa likuran ng  Manila Post Office sa may Muelle del Rio St., Ermita, Maynila.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si  John Estrella, 19 ng  Hospicio de San Jose,  Ayala Boulevard, Ermita, Maynila.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-9:30 ng gabi ay nagreklamo ang hindi kinilalang biktima para sa kanyang proteksyon sa Barangay 660, Zone 71 at sinabi na siya ay hinoldap at kinuha ang kanyang motorsiklo. 

Kaagad naman itinawag ng barangay sa Lawton PCP ang reklamo ng biktima dahilan para kaagad na magsagawa ng dragnet operation.

Nagkataon nakita ng mga pulis ang suspek tumutugma sa deskripsiyon na ibinigay ng biktima na binabagtas ang MacArthur Bridge kaya  hinabol nila ito hanggang abutan sa Muelle del Rio.

Nang parahin ay agad na bumunot ng .38 kalibreng baril ang suspek at pinutukan ang mga pulis dahilan para gumanti ng putok sina PO1 Gerardo Salustiano at PO1 Gener Baligod na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with