^

Police Metro

Lider ng drug syndicate,2 pa todas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong lalaki kabilang ang umano’y lider ng drug syndicate ang napatay ng mga pulis sa isinagawang buy bust operation sa kanilang kuta kamakalawa sa Caloocan City.

Ang mga napatay ay kinilalang sina Richmond Santos, alyas “Momon”, lider ng “Santos Drug Group”; mga miyembro nitong sina Louie Dinglasan, alyas “Louies” at isang alyas “Marlon”. 

Nabatid na pang-siyam din si Santos sa Top 10 Most Wanted Personality sa Eastern Police District at may kinakaharap na kasong murder sa Pasig City Regional Trial Court.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang sa­lakayin ng pinagsanib na puwersa ng tauhan ng Caloocan City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kuta ng naturang sindikato sa may Phase 6, Brgy. 178, Camarin bunsod ng sumbong ng mga residente sa talamak na operasyon sa iligal na droga ng grupo.

Kaya’t nagsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad ngunit nakahalata umano ang grupo na mga pulis ang katransaksyon kaya pinaputukan ang mga otoridad. 

Dito na nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkapatay sa tatlong suspek.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad at naaresto ang anim pang sinasabing sangkot sa iligal na droga na sina Francis Galicia, Marian Madrona, James Guansing, Euselle Valenzuela, Joseph Alcantara, at Anthony Pancho.

Narekober sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 baril, isang kalibre .45 baril, mga bala, hindi pa madetermina na dami ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at apat na motorsiklo na gamit ng mga suspek sa transaksyon at iba pang iligal na gawain.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with