^

Police Metro

Mga babaeng bihag ginagahasa na ng Maute

Joy Cantos - Pang-masa

Pinipilit na magpakasal...

MANILA, Philippines - Ibinulgar kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinipilit umano ng Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) ang mga kababaihang bihag na magpakasal sa kanilang mga miyembro para gawing sex slaves.

Ito ang inihayag ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, Spokesman ng Joint Task Force (JTF) Marawi  na sinabing bukod sa ginagamit na mga ‘looters’ ay pinipilit din ang mga kababaihan na magpakasal sa kanilang mga miyembro na kanilang nabatid base sa testimonya ng pitong nakalayang hostages na nasagip ng tropang gobyerno kahapon na kasalukuyang isinasailalim sa debriefing.

“Pinipilit nila yung mga hostages to Balik Islam (Muslim converts) or reverted to Islam and worse thing cases of female hostages were force to marry the Maute terrorists so they are being forced to sex slave to destroy the dignity of these women, ito ang nangyayari sa loob, so this is very evident”, ani Herrera.

Ayon pa kay Herrera mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng tanghali ay inu­utusang magnakaw ang mga hostages sa mga inabandonang bahay at dakong alas-3:00 naman ng hapon ito ang ginagamit sa frontline para makipagbarilan sa tropa ng mga sundalo.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa kabuuang 1,711 ang nasagip na mga hostages at mga na-trap na sibilyan sa battle zone.

Samantala, naputol umano ang suplay ng mga bala at medical supplies ng Maute-ISIS terrorists matapos na mahuli ang supplier ng mga ito sa bahagi ng Lanao Lake sa kasagsagan ng opensiba laban sa naturang tero­ristang grupo.

Hindi muna pina­ngalanan ng opisyal ang nasakoteng supplier ng  mga bala at gamot ng Maute-ISIS dahilan kailangan pa itong isai­lalim sa masusing tactical interrogation.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with