Hapilon duwag-Malacañang
MANILA, Philippines - Duwag ang itinawag ng Malacañang kay Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon kung totoong nakatakas na ito sa war zone ng Marawi City at iniwan ang kanyang mga tauhan at Maute brothers sa pakikipaglaban sa mga sundalo.
“If indeed true that Hapilon escapes, it’s a sign of Hapilon’s cowardice. But it will need verification,” wika ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa media briefing sa Malacañang kahapon.
Binigyang-diin pa ni Abella, hinding-hindi ibibigay ng gobyerno ang ‘demand’ ng Maute brothers na palit-ulo kung saan ay nakahandang palayain daw ng Maute brothers ang kanilang bihag na si Fr. Chito Suganob kapalit ng pagpapalaya ng gobyerno sa inarestong mga magulang ng mga Maute.
“Government won’t negotiate with terrorists amid ‘palit-ulo’ claim. Government upholds a no-negotiation policy with terrorists,” giit pa ng presidential spokesman.
- Latest