^

Police Metro

Mga babaeng muslim gagahasain ng mga sundalo at pulis-leftist group

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inalmahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kontrobersiyal na pahayag ng isang militanteng grupo na nangangamba na gahasain umano ang mga babaing Muslim kapag hindi umalis sa battle zone sa Marawi City.

Sinabi ni Lorenzana na nagbubuwis ng buhay ang mga sundalo para mapanumbalik ang kapayapaan sa Marawi para pag-isipan pa ng masama ng nasabing militanteng grupo. “I question the motives and credibility of certain leftist groups and individuals in coming up with a dubious report that Marawi women residents allegedly fear that they will be raped by soldiers in the ongoing military operations in Marawi City,” pahayag ni Lorenzana sa Defense Press Corps.

Bagama’t hindi naman tinukoy ni Lorenzana ang nasabing grupo ay ang Gabriela na umano’y leftist leaning ang tanging nagbigay ng kontrobersyal na pahayag laban sa mga sundalo at pulis na nakikipaglaban sa Marawi City.

“I have personally heard the stories of women who sought refuge in evacuation centers in Lanao del Norte and Lanao del Sur after government troops threatened to rape them, as encouraged by no less than President Duterte in his public remarks,”pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

Hinamon ni Lorenzana ang nasabing militanteng grupo na maglutang ng ebidensya sa halip na magdadakdak ng walang basehan para siraan ang AFP troop. Sinabi pa ni Lorenzana na masyadong marumi ang pag-iisip ng nasabing militante at makakaliwang grupo sa gitna na rin ng giyera laban sa terorismo para lamang isulong ang kanilang masama at makasariling hangarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with