^

Police Metro

P10-M shabu nasamsam sa ex- Marawi mayor

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasamsam sa bahay ng dating mayor ng Marawi City ang nasa dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng P10-M sa isinagawang clearing operation sa Marawi City kahapon.

Batay sa ulat ng Joint Task Force (JTF) Marawi, bandang alas-10:00 ng umaga nang marekober ang methamphetamine hydrochloride o shabu sa bahay ni dating Marawi City Mayor  Omar Solitario Ali na itinuturing high value targets at  financier ng Maute-ISIS terror group.

Nabatid na nagsasagawa ng ‘house to house’ clearing operations ang tropa ng pamahalaan laban sa Maute-ISIS terror group na target malipol sa Marawi City nang madiskubre ang dalawang kilo ng shabu sa ikalawang palapag sa bahay ni Ali.

Sa tala, si Ali ay kabilang sa mga pulitikong nasa drug watch list na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte at kabilang rin sa naisyuhan ng 310 arrest order  ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa ilalim ng inisyung martial law  sa buong rehiyon ng Mindanao.

Kung matatandaan na kamakailan lamang ay nakarekober rin ng 11 kilo ng shabu ang mga otoridad sa Marawi City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with