11 Abu Sayyaf Group sumuko sa militar
MANILA, Philippines - Isang sub-commander ng Abu Sayyaf Group at 11 tauhan nito ang sumuko sa tropa ng militar bitbit ang kanilang mga armas kamakalawa sa Basilan.
Kinilala ni Lt. Gen. Carlito Galvez, Commander ng AFP Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) ang mga sumukong Abu Sayyaf sa pangunguna ng kanilang Sub Commander na si Ibrahim Malat Sulayman, tubong Albarka, Basilan;Salimbawa Ahlil Tanjal;Salim Toong Masud;Salasni Ambing Mahawan;Ado Emmong;Ahmad Abbi alyas Bolkia;pawang mga tauhan ni ASG Commander Nurhassan Jamiri; at mga tauhan ni Commander Furuji Indaman na sina Mar-ie Cabulut Indama, Muhammad Kalung-Hassan, Salman Hawkasa; Husael Fernandez; Ebtor Asana; at Madja Palinta.
Isinuko din ng mga ito ang kanilang pitong malalakas na kalibre ng mga armas at apat na maiikling mga armas na may magazine at mga bala.
Sa tala, mula Enero 1, 2017 hanggang sa buwang kasalukuyan ay umaabot na sa kabuuang 96 Abu Sayyaf members ang sumuko sa JTF Western Mindanao kung saan 54 dito ay mula sa Basilan; 19 sa Sulu, 21 sa Tawi-Tawi at dalawa mula sa Zamboanga City.
- Latest