^

Police Metro

8 todas sa drug war

Pang-masa

MANILA, Philippines - Walong katao na umano ay sangkot sa ilegal na droga ang napatay ng mga pulis sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa Caloocan City, Navotas City at Cavite.

Sa ulat ng Caloocan City Police, kinilala ang mga napatay na suspek na sina Frederick Cleopas, 30; Rodel Alcaraz, 43; Michael Malisua, 47; Julius Soriano, 24; at Rodolfo De Guzman, Jr., 37.

Ang mga suspek ay napatay sa iba’t ibang lugar sa Caloocan City nang manlaban umano sa mga pulis na nagsagawa ng anti-drugs operation.

Sa Navotas, napatay ng mga pulis kamakalawa ng alas-11:30 ng  gabi ang dalawang lalaki na hinihinalang drug pusher na sina Christopher Roque, 40 at isang alyas Tony Pilay matapos makipagbarilan sa isinagawang buy bust operation sa kahabaan ng M. Ablola St.

Habang nakatakas naman si Dominic Panganiban alyas “Pipoy” at dalawa pang hindi kilalang kasama.

Sa Brgy.Wawa II, Rosario, Cavite ay napatay din sa buy bust operation ang isang John Rey Adrales. 31, binata na nasa drug watch list ng pulisya matapos umanong manlaban.

Ang napatay na suspek ay miyembro ng Elmer Morales Taba Group na sangkot sa sindikato ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with