^

Police Metro

Mahigit 100 Maute-ISIS nakatakas na sa Marawi

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa mahigit kumulang sa 100 miyembro ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nakatakas na sa battle zone matapos na magpanggap na mga sibil­yang evacuees kaugnay ng krisis sa Marawi City na pumalo na kahapon sa 30 araw o isang buwan.

Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, Spokesman ng Joint Task Force (JTF) Marawi at 1st Infantry Division (ID) sa kasalukuyan ay nasa 100 na lamang Maute-ISIS ang target ng kanilang operasyon sa lungsod.

Anya, nakatanggap sila ng impormasyon na nagawang makatakas ng mga terorista sa battle zone matapos ang mga itong humalo at magpanggap na mga evacuees gayundin sa mga na-trap na sibil­yan na inabandona na ang kanilang mga armas.

Sa kasalukuyan, ayon kay Herrera, simula nang sumiklab ang bakbakan noong Mayo 23  ay nasa 276 ng Maute-ISIS terro­rists  ang napatay at 26 ang  sibilyan.

Ayon sa opisyal, 67 naman ang mga bayaning security forces na nagbuwis ng buhay habang nasa 461 ang nasugatan. Naitala naman sa 1, 658 mga sibilyan na na-hostage at na-trap  sa bakbakan ang nailigtas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with